Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Gulayan sa Bagong Bayan,tulong sa Kababaihan

Gulayan sa Bagong Bayan,tulong sa Kababaihan

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo sa ating bansa lalo na sa Puerto Princesa City na halos nasa P80 na ang kada litro ng gasolina, maging ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng gulay ay tumaas na rin ang presyo.  Lalo pa itong magmamahal kung galing ito sa labas ng siyudad tulad ng mga high value vegetable.

Pero noon yun, dahil parami na ng parami ang nagtatanim ng high value crops sa lungsod tulad na lang ng mga kakaibahan sa Barangay Bagong Bayan, ito ang Bagong Bayan Womens Vegetable Growers Association, na isa sa mga naging benepisyaryo ng proyektong Containerized Garden ng Department of Agriculture-High Value Crops Development Program (DA-HVCDP).  Ito ay tulong pangkabuhayan para sa mga Kababaihan nang ang kanilang kahirapa'y maibsan.

Ayon sa Puerto Princesa City Agriculture’s Office, ang samahan ay binubuo ng 25 na kababaihan nag naorganisa noong April 2021 at nakatanggap ng mga binhi ng gulay at ibat-ibang gamit pansakahan tulad ng Pala, Piko, Asarol at Shredder machine.

Ang gulayan ng Bagong Bayan Womens Vegetable Growers Association, sa Barangay Bagong Bayan, Puerto Princesa City.(larawan mula sa Puerto Princesa City Agriculture Office)

Ang grupo ay nagtatanim ng ibat-ibang uri ng gulay  tulad ng Patola, Kangkong, Okra, Pechay, Pipino, Kalabasa at Letsugas sa  loteng may kabuuang lawak na 1,000 metro kuwadrado. Layunin ng proyekto na magkaroon ng alternatibong kita ang bawat kasapi ng grupo at matiyak na may mapagkukunan ng sariwang gulay ang kanilang pamilya.

“Maraming salamat sa Department of Agriculture -HVCDP at Puerto Princesa City Agriculture sa pagpili sa aming samahan na maging benipisyaryo ng proyektong Containerized Garden, sa ngayun ito ang pinagkukunan ng pagkain sa aming kumunidad” ayon kay Josephine Montealto.

Dahil sa kanilang sipag at pagtutulungan ay nakaipon na ang samahan ng halagang P4,500 at nais pa nila itong palakihin sa pamamagitan ng patuloy na pagtatanim ng gulay.

Ibinalita rin ng Puerto Princesa City Agriculture Office sa kanilang facebook page na nagbibigay sila ng regular na tulong teknikal, karagdagang binhi ng gulay at hanggang sa tamang pagbebenta ng ani kung saan ang mga naaning produkto ay ibinebenta sa loob ng barangay at sa Puerto Princesa City Agri Kadiwa Producers Market na matatagpuan sa People’s Park- City Coliseum mula Pebrero 19-March 4, 2022 sa tamang halaga.

Sa panahon ng krisis, walang imposible kung ang mga mamamayan at pamahalaan ay magtutulungan. Sana, bawat barangay ay may ganitong proyekto, sana ang bawat mamamayan ay matuto ring magtanim ng gulay sa kanilang mga bakuran, para kapag muling dumating ang ganitong krisis, alam natin kung saan tayo kukuha ng sariwang gulay at kabuhayan.

Ang gulay ay hindi lang pampahaba ng buhay dahil sa nakukuhang sustansya dito bagkus, ito mismo ay nagbibigay ng buhay sa mga mamayang halos mamatay na  dulot ng kagutuman at  kahirapan. (MCE/PIA-MIMAROPA, PALAWAN)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch