Ang buwan ng Hunyo ay Prostate Cancer Awareness Month.
Ano nga ba ng sakit na ito?
Ayon kay Dr. Dean Hernando Zenarosa, resident physician ng Philippine Information Agency (PIA), ang prostate cancer ay isang uri ng sakit kung saan ang malignant (cancer) cells ay namumuo sa prostate gland, kung kaya't lalaki lamang ang tinatamaan ng kondisyong ito.
Aniya, ang kanser sa prostate ay ang pang-apat na nangungunang site ng cancer at ika-apat na nangungunang sanhi ng pagkamatay ng cancer sa mga lalaki na Pilipino.
“Ngayong Prostate Cancer Awareness Month, nais namin sa PIA Medical Clinic na ipaalala na habang tumatanda ang isang lalaki, mahalagang mapanatili ang kalusugan ng kaniyang prostate gland,” saad nito.
Alamin ang karaniwang sintomas ng prostate cancer.
Ayon kay Zenarosa, kung mayroon ang isang lalaki ng alinman sa mga sumusunod na sintomas ay magpatingin agad sa doktor.
- Pananakit o hirap sa pag-ihi
- Madalas na pag-ihi lalo na sa gabi
- Pagkakaroon ng dugo sa ihi (hematuria) o semen
- Pananakit ng balakang o buto
- Hindi tinitigasan ng ari o erectile dysfunction
“Ang maagang pagtuklas ay susi sa pagpigil sa Prostate Cancer progression,” dagdag pa nito.
Kaya sa lahat ng kalalakihan, patuloy niyong alagaan ang iyong kalusugan dahil ayon kay Doc Dean, mas masaya mabuhay kapag malusog ang ating katawan.
Be prostate aware. Ingat! (JCR/JPD, PIA La Union)