Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga dapat mong malaman sa tamang paghawak ng polymer banknotes

Kamakailan lang ay naglabas ng abiso sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaaring tanggapin at ipambayad ang natupi o natiklop na banknotes o pera, papel man o polymer.

Ito’y para tugunan ang mga alalahanin na kumalat sa social media kaugnay sa hindi pagtanggap ng ilang mga establisyimento ng nakatiklop na 1000-Piso polymer banknotes. 

Paalala ng BSP, dapat tanggapin ng retailers at mga bangko ang mga ito bilang pambayad sa pang araw-araw na transaksyon.

Kaugnay nito, at para sa kaalaman ng nakararami, narito ang mga dapat malaman sa tamang paghawak ng polymer banknotes: Panatilihing FLAT ang mga ito.

Ilagay ang polymer banknotes sa wallet kung saan magkakasya ito nang maayos. Kung ang mga banknote ay gusot o lukot, pwede ito patagin gamit ang iyong mga kamay.


Panatilihing MALINIS ang mga ito.

Pwedeng punasan ng mamasa-masa na tela ang marumi o maruruming polymer banknotes. Maaaring gumamit ng alcohol-based sanitizers para linisan ang ibabaw nito at punasan agad ng tuyong tuwalya o kapirasong tela.

Gamitin ang mga ito bilang PAMBAYAD para sa goods at services.

HUWAG mag-imbak (do not hoard) ng polymer banknotes, o bumili o magbenta ng mga ito sa mas mataas na presyo.

HUWAG dungisan o sirain ang anyo, sulatan o markahan ang polymer banknotes.

HUWAG sirain ang clear windows, metallic features, at iba pang security features ng polymer banknotes.


HUWAG tiklopin nang husto, kusutin, o lukutin ang polymer banknotes. Maaari itong mag-iwan ng permanenteng mga marka ng pagkatupi.

HUWAG punitin, gupitin, o butasin ang polymer banknotes.

HUWAG i-staple ang polymer banknotes.

HUWAG gagamit ng goma kung pagsasamahin ang mga ito. PWEDENG GUMAMIT ng paper bands.

HUWAG plantsahin ang polymer banknotes.

HUWAG i-expose, idarang o painitan ang polymer banknotes. HUWAG itong ilalagay malapit sa apoy.

HUWAG i-expose ang polymer banknotes sa mga kemikal gaya ng muriatic acid o bleach.

Binigyang diin ng BSP na ang mga ito ay para sa paper at polymer banknote. Ayon sa BSP, ito’y para mapangalagaan ang integridad at pahabain ang lifespan ng banknote. Kung ang isang indibidwal ay nagdududa sa halaga at/o pagiging tunay ng isang banknote, hinihikayat siyang pumunta sa anumang bangko para sa tulong. Ire-refer ng bangko ang banknote sa BSP para sa pagsusuri.​


(Mga larawan mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch