Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga dapat malaman sa Enhanced Anti-Hospital Deposit Law

"Bawal magkasakit."

Ito ang isa sa mga katagang pinasikat ng isang TV commercial. Subalit, para sa mga kailangang isugod sa ospital bunsod ng malubhang karamdaman o ng isang health o medical emergency, mabuting malaman na mayroong batas na Republic Act 10932 o ang Enhanced Anti-Hospital Deposit Law na nagbibigay proteksyon sa mga pasyente laban sa ilang mapagsamantalang pagamutan.

Narito ang mga dapat tandaan:

1. Bawal manghingi ng deposito ang mga hospital o clinic bago magbigay ng basic emergency services sa pasyente
2. Kung walang ambulansya ang hospital maaring gamitin ang emergency vehicle ng local government unit (LGU)
3. Ikinokonsiderang emergency case ang panganganak at miscarriage
4. Dapat na ipaskil ang mga serbisyong kanilang ibinibigay sa entrance ng mga hospital at clinic
5. Presumption of liability o ang mga hospital o clinic ay dapat managot kung sakaling mamatay o magdulot ng seryosong pinsala sa pasyente ang hindi pag-admit nito sa kanilang hospital o clinic
6. Mas mataas na parusa para sa lalabag ng batas na ito

Ang RA 10932 ay nag-aamyenda sa Batas Pambansa Bilang 702, at lalo pang pinalakas ang provision ng emergency health care sa mga pasyente.

Saklaw din ng naturang batas ang LAHAT NG OSPITAL - pampubliko man o pribado. 

Ang panukala ay naunang inakda ni Quezon City Representative Kit Belmonte bilang principal author kasama sina Akbayan Rep. Tom Villarin (Co-author) at Rep. Angelina Tan (Chairperson, Committee on Health) na tumulong sa pagsulong ng batas na ito sa Kongreso. (PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch