Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kape, Lomi at Pasyalan, tampok sa Probinsya ng Batangas

Umarangkada sa probinsya ng Batangas ang Phase 2 ng ‘The Green Corridor Initiative’ na programa ng Department of Tourism (DOT) Region IV-A upang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Calibrated Tourism Circuit Validation and Assessment sa mga bagong tourist destination at attraction sa lalawigan.
 
Tampok sa isinagawang aktibidad ang Inland Tourism Circuit kung saan binisita at sinubukan ang ilan sa mga ipinagmamalaking lugar at mga kainan mula sa lungsod ng Sto. Tomas, Malvar, Lipa City at Ibaan, Batangas.
 
Sasailalim sa assessment ng DOT ang tourist attractions and destinations sa mga nabanggit na lugar gayundin ang mga sikat na kainan at produkto dito upang suriin ang kanilang kahandaan para sa muling pagpapasigla sa industriya ng turismo.
 
Kasama sa listahan ang makasaysayang Museo ni Miguel Malvar na maaaring puntahan para sa isang makabuluhang balik-tanaw sa ating nakaraan. Libre itong mabibisita sa Poblacion I, City of Sto. Tomas.
 
Hindi naman kailangan pang hikayatin ang mga deboto na bumisita sa National Shrine of Padre Pio sapagkat libo-libong deboto ang bumibisita at nag-aalay ng panalangin sa Banal na Santo bawat linggo.
 
Kaugalian, sining at kultura naman ang bida sa Ibaan, Batangas sapagkat nananatili pa ring buhay ang tradisyunal na paghahabi sa pangunguna ng ‘Nanay Weavers’ ng SM Sunrise Weaving Association.
 

Iba’t ibang coffee shop mula sa lungsod ng Lipa at Sto. Tomas, Batangas ang kasama sa binisita ng DOT Region IV-A bilang bahagi ng Inland Tourism Circuit sa lalawigan. Sa pamamagitan nito ay ibinida ng ilang coffee shop owners ang kani-kanilang mga kwento gayundin ang mga best seller coffee products.

Kapeng Batangas
 
Tamang-tama ang pagparine ng coffee lovers sa lalawigan ng Batangas dahil bukod sa matapang at kaya kang ipaglaban na kapeng barako, sari-saring timpla ng kape ang tiyak na maiibigan!
 
Isa ngayon sa sikat at dinarayong café sa Sto. Tomas, Batangas ang Nas Kape dahil bukod sa dami ng pagpipiliang inumin at masarap na pagkain ay mahahalina ka sa magandang tanawin ng lugar.

Tiyak na maiibigan rin ito ng mga plantito at plantita sapagkat maging ang mismong may ari ng café ay isang certified plantito.
 
Para sa isang all-in-one experience, bisitahin ang The Square Lipa kung saan mayroon silang Rotisserie, Patisserie at Nitoro Cold Brew na isang First Nitrogen Infused Coffee Shop sa buong lungsod ng Lipa.
 
Baguio vibes naman ang hatid ng Loghouse Café na matatagpuan rin sa Lipa dahil sa nagtataasang pine trees at disenyo ng mismong coffee shop na dating residential house na ngayon ay kinagigiliwan ng mga turistang mahilig sa kape.
 
Para naman sa mga nais ipagdiwang ang kanilang mga special day, maaring bisitahin at subukan ang isang instagrammable place sa Lipa na Chef Chateau kung saan mayroong modern contemporary feels at pagkaing sulit sa rating na five stars ang sarap!
 
Huwag rin palampasin ang kanilang pastries at wide varieties ng kapeng sakto sa panlasa, simula sa kapeng barako hanggang sa specialty drinks.
 
Authentic Lomi
 
Kapag sinabing Batangas ay tiyak hindi mawawala sa usapan ang masarap at sikat na Lomi ng Lipa sapagkat dito matatagpuan ang Lomi King na kauna-unahang Lomi House sa buong Lipa.
 
Araw-araw ay fresh miki at ingredients ang kasama ng kanilang sikat na lomi at iba pang pansit na sila mismo ang gumagawa simula pa noong naitayo ang kanilang negosyo noong 1996.
 
Sinisiguro ng Lomi King na mapapanatili ang lasa at kalidad ng kanilang lomi na siguradong babalik-balikan ng sinuman. (CO/PIA4A)

Tampok sa DOT Region IV-A Calibrated Tourism Circuit Validation and Assessment ang pagbisita sa isang pinakasikat at matagal nang nagtitinda ng Batangas Lomi sa lungsod ng Lipa. Ipinasilip ng Lomi King ang kanilang paggawa ng classic lomi at ipinatikim rin ito kasama ang iba pang specialties tulad ng sea food lomi, palabok, mixed noodles at ipinagmamalaking fried rolls. (DMS/PIA4A)

About the Author

Region 4A Writer

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch