Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Balayong Rotonda, alay sa Katutubong Batak

Balayong Rotonda, alay sa Katutubong Batak

Bukas na sa publiko ang karagdagang atraksiyon sa Balayong People’s Park, matapos na mapasinayaan ito nitong Nobyembre 12, 2022, ito ay ang Balayong Rotonda.

Ang Iconic Rotonda na ito ay bilang pagpupugay ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa mga Katutubong Batak, isang Tribu ng mga katutubo sa naninirahan sa lungsod.

Mapapansin sa gitna o center piece nito ay ang estatwa ng isang pamilya ng Batak na ang lalaking katutubo ay naka-hunting position at may hawak itong supok o blow gun.

Mayroon din itong water falls, inner at outer pond na may tubig na magsisilbing wishing well.

Sa mensahe ni Mayor Lucilo R. Bayron sa inagurasyon nito, sinabi niya na, ang maiipong na mga barya o coins sa wishing well sa loob ng kada taon ay iipunin at iaalay sa Katutubong Batak, para sa pag-aaral ng kabataang Batak, o para sa kanilang pangkalusugan o anupamang pangangailangan ng mga ito.

Nagpapakita din ang rotonda ng mayamang flora at fauna ng lungsod kung kaya’t makikita dito ang mga replika ng mga hayop at halaman na karamihan ay dito lamang sa lalawigan ng Palawan makikita.

Ayon pa kay Mayor Bayron, ang umiikot na center piece ay lalagyan ng ‘geo tag’ upang kapag kumuha ng litrato ang mga turista dito ay makikita nila ang longitude, latitude na kapag hinanap aniya sa google ay agad na makikita agad itong rotunda.

Inaasahan din ni Mayor Bayron na ilang buwan lang ang makakaraan matapos na ito ay mapasinayaan, sinisiguro niyang nasa google na ito.

“Itong rotonda na ito ay sinasabi naming magiging instragamable, tutulong ang rotonda na ito na pasikatin ang lungsod ng Puerto Princesa, ang lalawigan ng Palawan at ang bansang Pilipinas,  dahil tayo ang magdadala ng  ganitong klaseng  arkitektura at tsaka art na ang Pilipino ay hindi talaga basta-basta rin”, ang mensahe pa ni Mayor Bayron.

Ayon sa City Information Office, ang Balayong Rotonda ay maihahalintulad sa Quezon City Memorial Circle, Dai Liet Sy sa Vietnam, Putrajaya sa Malaysia, The Etoile sa Paris at sa iba pang bansa na may kahalintulad na round about. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch