GCash update para sa Makati senior citizens, hanggang Oct. 6

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Magandang balita para sa mga senior citizens ng Lungsod Makati!

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Makati para sa lahat ng Senior Makatizen BluCard holders na hindi pa nakakakuha ng Mid-year Cash Incentive para sa taong ito at sa mga bagong miyembro na nakahabol sa cut-off noong June 30, na maaaring mag-update ng kanilang GCash number.

Para sa mga senior citizens ng lungsod, maaaring mag-update ng kanilang GCash number sa www.proudmakatizen.com hanggang October 6, 2023.

Para sa mga katanungan o concerns, maaaring tumawag sa Makati Social Welfare Department sa telepono bilang (02) 8870-1634 o (02) 8870-1236. (Makati City/PIA-NCR)

In other News
Skip to content