GPH at MILF, patuloy na palalakasin ang pagpapatupad ng Normalization Program para sa MILF combatants

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) — Binigyang-diin ni Undersecretary Cesar Yano, chairperson ng Government of the Philippines Peace Implementing Panel for the GPH-MILF Peace Accord na patuloy pa rin ang kanilang mga ginagawang pagsisikap upang mas mapalakas pa ang pagpapatupad ng mga naipangakong programa para sa mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatant.

“We are working very hard, we are asking the help of our legislators in congress for the needed assistance para mabigay natin ang ating pangako sa ating mga kapatid,” sinabi ni Yano.

Sa programang PIA Talakayang Dose ng Philippine Information Agency Region XII, sinabi ni Yano na nagtutulungan ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang maipabot ang mga ayuda para sa mga MILF combatant alinsunod sa nakasaad sa Normalization Program sa ilalim Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB.

Ayon sa opsiyal, mahalaga ang suporta mula sa mga tanggapan ng pamahalaang nasyunal at pamahalaan ng BARMM sa paghahatid ng mga kinakailangang interbensyon para sa mga dating MILF combatant lalo na ang mga sumailalim na sa decommissioning process.

Samantala, kamakailan ay nagtapos na ang pangatlong phase ng decommissioning process ng abot sa 1,301 MILF combatants na ginanap sa Old Provincial Capitol sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Layon nitong matulungan ang mga dating combatant na makabalik sa komunidad bilang mga produktibong mamamayan.

Samantala, ibinahagi din ni Yano na target ng Independent Decommissioning Body (IDB) na makumpleto ang decommissioning process bago ang unang eleksyon sa rehiyon ng Bangsamoro sa taong 2025. (PIA Cotabato City)

In other News
Skip to content