Groundbreaking Ceremony ng OPD building ng QMC, idinaos Published on: January 10, 2023

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA) — Pinangunahan ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan ang groundbreaking ceremony ng Multi-Storey Out-Patient Department (OPD) Building sa Quezon Medical Center (QMC) sa lungsod na ito noong ika-3 ng Enero.

Layunin ng program na mabawasan ang mabigat na pasanin ng ospital sa araw-araw na pagdagsa ng mga taong may problemang pangkalusugan.

Bukod dito, mabibigyan din ng mas komportable at maaliwalas na lugar ang mga pasyente habang naghihintay sa mga doktor.

Nakiisa sa programa sina Intergrated Provincial Health Officer Dr. Christine Villaseñor, QMC Chief of Hospital Dr. Jeff Villanueva.

Nagpasalamat si Gov. Tan sa pakikiisa ng bawat departmento ng ospital sa pagbalangkas ng mga plano sa pagtatayo ng nasabing gusali.

“Lubos din po akong nagpapasalamat sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Vice Gov. Third Alcala sa pag-apruba ng pondo upang magamit sa paggawa ng gusali”, sabi pa ni Gov. Tan. (Ruel Orinday-PIA Quezon)

In other News
Skip to content