Groundbreaking ng itatayong Memorial Park sa Sta. Cruz, idinaos

SANTA CRUZ, Marinduque (PIA) — Pormal nang isinagawa ang groundbreaking at time capsule laying ceremony ng itatayong bagong memorial park sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque.

Ayon kay Mayor Marisa Red-Martinez, ang proyekto ay pinasimulan upang magkaroon ng mas maunlad at organisadong memorial park sa bayan ng Santa Cruz na may mga pasilidad kagaya ng ecumenical building, funeral house, mausoleum, columbarium at maayos na palikuran.

“Ginagawa ko po ito hindi dahil gusto ko lamang bagkus ay para mapakinabangan ng mas nakararami nating mga kababayan lalong lalo na ang mga susunod na henerasyon ng ating bayan.

Ang Santa Cruz Memorial Park na planong gawing isang modernong pampublikong sementeryo ay matatagpuan sa Barangay Manlibunan kung saan maaaring mag-jogging at mag-picnic ang mga bibisita rito.

Maliban kay Mayor Martinez, dumalo rin sa gawain ang mga miyembro ng Sangguniang Pambayan sa pangunguna nina Arman Palma, Revo Red, Joam Merano-Morales at Felix Dy, kasama ang mga department heads at ilang kawani ng munisipyo. (RAMJR/IJPP/PIA MIMAROPA)

In other News
Skip to content