Ngayong Araw ng Kagitingan, ating gunitain ang mga bayani na nagtanggol sa ating kalayaan sa kabila ng mga pagsubok at pagdurusa. Ang kanilang tapang at hindi mabilang na sakripisyo ay nagbigay buhay sa ating bansa.
Sa bawat hakbang na kanilang tinahak, ipinagpatuloy nila ang laban para sa ating kinabukasan. Sa araw na ito, ipagdiwang natin ang kalayaang kanilang ipinaglaban at alalahanin ang kanilang kabayanihan.