‘HERSTORY’ painting exhibit, binuksan sa Lucena ngayong Nat’l Women’s Month

LUCENA CITY, Quezon (PIA) — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan, pormal na binuksan sa Pacific Mall, Lucena City noong  Marso 23 ang ‘HERSTORY’ painting exhibit na likha ng mga visual artists ng ‘Ka-Manlilikha’.

Ang ‘Ka-Manlilikha’ ay samahan ng 20 kababaihang visual artists sa Lucena City na nagtuturo upang malinang ang galing ng mga kabataan dito.

Ayon kay Maria Abulencia, isa sa mga founders ng ‘Ka-Manlilikha’ nais nila na umunlad ang sining sa lungsod at maipamalas ang galing ng kababaihan sa pagpipinta.

Tampok din sa exhibit ang demonstration sa henna tattoo at pagpipinta gamit ang acrylic at gouache.

Kasama rin sa exhibit na tatagal hanggang Marso 26 ang isang workshop hinggil sa ‘Sining ng Tuwa’ na lalahukan ng mga survivors ng karahasan, kawani ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) at kasapi ng Soroptimist Club International. (Ruel Orinday, PIA Quezon)

In other News
Skip to content