#MagingMapanuri Huwag basta maniwala sa misleading posts! 🤔🚨
Ang video na ito ay noong July 2023 pa, at hindi ito nangangahulugang tapos na ang kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
📌 Ano ang totoong nangyari?
Ang video na ito ay noong ni-reject ng ICC Appeals Chamber ang apila ng Pilipinas laban sa desisyon ng Pre-Trial Chamber patungkol sa imbestigasyon sa “drug war” noong panahon ni Duterte, kabilang ang mga insidente sa Davao noong siya’y mayor pa. Tatlo sa limang ICC judges ang bumoto pabor sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.
📅 Ano ang susunod na mangyayari?
Ang Confirmation of Charges ay nakatakda sa Setyembre 23, 2025—dito malalaman kung may sapat na ebidensya para tuluyang ituloy ang kaso.
Huwag magpapadala sa lumang video na pinalalabas na bagong balita. I-fact-check muna bago magbahagi! ✅🔍