Sa bawat butil ng bigas, sa bawat hiwa ng prutas, may kuwento ng pagsusumikap at pagmamalasakit. Kaya’t sa halip na itapon, gawing pagkakataon ang bawat pagkain para makapagbigay-buhay, lakas, at malasakit sa kapwa.
Isinabatas noong 1975 ang pagdiriwang ng National Food Conservation Month tuwing Enero upang isulong ang food sufficiency sa bansa. Limangpung taon na ang lumipas, patuloy pa rin ang adhikain para sa food conservation at wastong paggamit nito para sa masaganang Pilipinas.
Maging masinop at suportahan ang laban kontra food wastage sa bansa!