Muling nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay pagsunod lamang sa batas.
Binigyang-diin niya na ang hakbang na ito ay hindi nangangahulugan ng pagsuko ng Pilipinas sa anumang dayuhang kapangyarihan. Aniya, nananatiling isang malaya, at hindi kailanman isusuko ang anumang karapatan nito sa ibang bansa.
Panoorin dito: https://www.facebook.com/pia.gov.ph/videos/655120314133383