Ika-15 taong anibersaryo ng paglubog ng M/V Princess of the Stars, ginunita

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Kasabay ng pagdiriwang ng ika-15 taong anibersaryo ng paglubog ng M/V Princess of the Stars sa Sibuyan Sea, nagkaroon ng espesyal na misa sa lugar na dinaluhan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan, ilang civic groups, at mga residente ng Brgy. Taclobo.

Nagtipon sila upang alalahanin ang mga nasawi sa malagim na trahedya.

Kasunod ng misa ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ang seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa dagat.

Ang M/V Princess of the Stars ay lumubog sa Sibuyan Sea noong ika-21 ng Hunyo taong 2008. Hanggang sa kasalukuyan, ito pa rin ay isang mapait na alaala ng bayan ng San Fernando. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)


Larawan mula sa San Fernando Public Information Office

In other News
Skip to content