Ika-266 anibersaryo ng pagkakatatag ng Bataan ipinagdiwang

LUNGSOD NG BALANGA (PIA) — Ipinagdiwang ang ika-266 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Bataan.

Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Pamilya Bataeño, Hahataw para sa mas Matatag na Kasaysayan.”

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Jose Enrique Garcia III na maraming pinagdaanang pagsubok ang probinsya ngunit buong tatag at tapang na nalampasan ng kanilang mga ninuno ang lahat nang ito dahil sa pagtutulungan, pagmamalasakit at pagmamahal sa lalawigan.

Aniya, aasahan na mas pagbubutihin pa ng pamahalaang panlalawigan ang paghahatid ng mga de kalidad na serbisyo publiko upang makamit ang nagkakaisang layunin na mas matatag at may kakayahang pamilyang Bataeño.

Pinasalamatan din niya ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Cris Garcia, mga alkalde, ang Authority of the Freeport Area of Bataan sa pamumuno ni Administrator Emmanuel Pineda, mga kawani ng pamahalaan, at mga civil society organizations na nakibahagi sa Parada ng Kasaysayan, Laro ng Lahi at Hataw para sa Kasaysayan (Zumba Competition).

Sa bisa ng Republic Act 11138, special non-working holiday day sa probinsya tuwing Enero 11. (CLJD/CASB-PIA 3)

In other News
Skip to content