Industriya ng niyog, pinalalakas sa lalawigan ng Cotabato

PIGCAWAYAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) — Pinalalakas ngayon sa lalawigan ang industriya ng niyog sa pamamagitan ng pagsasaayos ng proseso at produkto ng mga Agrarian Reform Beneficiary Organization (ARBO).

Dagdag pa rito ay ang pagtatatag ng central hub sa pagpoproseso ng niyog na siyang inaasahan na magbibigay ng mas maayos at mas malakas na oportunidad sa merkado para sa mga ARBO. Ang pagkakaroon ng central hub ay ipatutupad sa ilalim ng Coconut Value Chain Boosting Project.

Kaugnay nito, nagsagawa kamakailan ng validation at assessment ang DAR sa Bagong Pag-asa Credit Cooperative, isang DAR-assisted organization na nagpoproseso ng virgin coconut oil sa Barangay New Panay sa bayan ng Pigcawayan.

Ang naturang kooperatiba ay benepisyaryo ng Village Level Farm-focused Enterprise Development Project at Climate Resilient Farm Productivity Support Project.

Ayon kay Evangeline Bueno, provincial agrarian reform program officer II, ang mga ARBO na may potensyal para sa central hub ay hahasain upang mabigyan ng mga interbensyon upang mapalakas ang kanilang operasyon at pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor. (With reports from DAR-Cotabato)

In other News
Skip to content