Inflation Rate sa OccMdo ngayong Enero 2023, naitala sa 8.0% ayon sa PSA

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) — Nanatili sa 8.0 percent ang Inflation Rate ng OccMdo ngayong Enero 2023, ayon sa Panlalawigang Tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang inflation, ayon sa PSA, ay sukatan ng pagtaas ng presyo ng mga serbisyo at produkto na karaniwang binibili ng mga konsyumer.

Sa press conference na ipinatawag ng PSA Occ Mdo kamakailan, iniulat nito na ang mga pangunahing contributor na nakakaapekto sa inflation ng probinsya ay food and non-alcoholic beverages, transport, restaurant, hotel at iba pang nagbibigay ng accommodation services.

Sa mga produktong pagkain, kinakitaan ng pagtaas ng inflation ang bigas, tinapay, cereals, pasta at bakery products, gayundin ang itlog, gatas at iba pang dairy products.

Wala namang naitalang paggalaw sa inflation ng alcoholic beverages at tobacco na nanatili sa 9.5%. Wala ding pagbabago ang clothing at footwear na 2.8%, Health sa 3.2%, Information at Communication sa 3.0%, Recreation, Sports at Culture sa 4.0% at Educational Services sa 0%.

Sinabi ni Rembert Sean Paglicawan ng PSA OccMdo na plano ng ahensya na gawing regular ang paglalabas ng impormasyon ukol sa inflation rate ng probinsya upang magkaroon ng batayan ang mga kinauukulan sa mga plano, polisiya at karampatang aksyon na nais nilang ipatupad kaugnay ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo sa lalawigan.

Samantala sa kaugnay na ulat, pangalawa sa may mababang inflation rate sa Rehiyon para sa buwan ng Enero 2023 ang Occidental Mindoro (8.0%), ayon pa rin sa PSA Mimaropa. Pinakamababa ang Romblon sa 5.1% inflation rate at pinakamataas naman ang Oriental Mindoro na may 11.6%. Ang Marinduque ay nagtala ng 9.2% samantalang 8.7% ang Palawan. (VND/PIA MIMAROPA)

Sa presentasyon ng ahensiya ay pinaghambing ang mga inflation contributor noong Disyembre 2022 sa Enero 2023. Sa nasabing ulat, bahagyang umangat ang food and non-alcoholic beverages, mula 9.4% nitong Disyembre 2022, sa 9.5% ng Enero 2023. Tumaas din ang housing, water, electricity, gas at iba pang fuels mula 3.9 percent, sa 4.0 percent. Bumaba naman ang inflation sa furnishings, household equipment at household maintenance mula 3.0 percent noong Disyembre 2022, sa 2.9 percent ng Enero ngayong taon habang nakapagtala din ng pagbaba ang transport mula 12.2%, sa 11.7 %.


Sa nakalipas na panayam kay PSA Chief Statistical Specialist Maribel Bernardo ay sinabi nito na ang mga nakakalap na datos ng Philippine Statistics Authority ay ginagamit na batayan sa paglikha ng plano at polisiya ng Pamahalaang Lokal gayundin ng iba pang ahensya. (PIO Occidental Mindoro)

In other News
Skip to content