Inflation rate sa Oriental Mindoro ngayong Agosto, tumaas sa 7.3 percent

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — “Tumaas ng 7.3 porsiyento ang kabuuang inflation sa Oriental Mindoro ngayong buwan ng Agosto mula 6.5 porsiyento noong Hulyo 2023 na siya namang pangkaraniwang naitala mula Enero hanggang Agosto ngayong taon sa 9.1 porsiyento at 6.4 porsiyento noong Agosto 2022,” ulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro Chief Statistical Specialist Efren C. Armonia sa isinagawang press conference.

Ayon pa kay Armonia, ang kabuuang inflation ng lalawigan ay base na rin sa mabilis na pag-angat ng taunang paglago sa hanay ng transportasyon noong Agosto 2023 na bumaba sa -2.4 porsiyento mula sa -7.8 porsiyento.

Naganap ito dahil sa taunang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ng pagkain at mga inuming hindi nakalalasing sa nasabing buwan at 8.0 porsiyento naman mula sa 7.4 porsiyento sa mga nakalipas na buwan.

Dagdag pa rito ang taunang pagtaas sa serbisyo sa mga kainan at tinutuluyan ng 13.7 porsiyento sa buwan din ng Agosto mula 13.2 porsiyento noong Hulyo 2023.

Samantala, ang tatlong pangunahing mga paninda na nag-ambag sa mataas na inflation noong Agosto 2023 sa lalawigan ay ang mga sumusunod: Food and Non-Alcoholic Beverages ng 48.8 porsiyento o 3.6 percentage points; pabahay, tubig, elektrisidad, gas at iba pang enerhiya ay nakapagbahagi ng 20.9 posiyento o 1.5 points; at restaurant, accommodation services sa 10.8 porsiyento ang ibinahagi o 0.8 points.

Dagdag ni Armonia, tumaas naman ang food inflation sa lalawigan ng 8.4 porsiyento nitong Agosto mula 7.8 porsiyento noong Hulyo 2023. (DPCN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

In other News
Skip to content