Inflation rate sa Oriental Mindoro sa buwan ng Mayo 2024 muling bumagal

LUNGSOD NG CALAPAN (PIA) — Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo sa probinsya ng Oriental Mindoro ay bumagal sa antas na 3.1 porsyento sa buwan ng Mayo 2024 ikumpara sa 3.2 porsyento noong Abril 2024.

Ayon kay Supervising Statistical Specialist at Officer-In-Charge Donna Marie Mobe ng Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro, mas bumagal din ang datus ng Mayo 2024 ikumpara sa 8.8 porsyento sa katulad na buwan ng Mayo 2023.

Ayon kay Mobe, ang average inflation mula Enero hanggang Mayo 2024 ay nasa antas na 2.8 porsyento ikumpara noong Abril. Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages sa antas na 1.7 porsyento, kung saan naitala nito ang 83.7 porsyento bahagi sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa lalawigan.

Samantala, nakapag ambag naman ng malaki sa presyo ng food at non-alcoholic beverages ay ang mabagal na paggalaw ng halaga ng mga sumusunod: cereal at produktong kahalintulad nito na nakapag-ambag ng 5.2 porsyentong inflation partikular ang bigas at mga gulay, tubers, mga saging na niluluto at iba pa na may 1.5 porsyentong inflation gaya ng sibuyas.

Nakapag-ambag din sa pagbaba ng antas ng inflation ang mga pagkain at inuming walang alkohol ang nakapagtala ng mas mabilis na pagbaba ng presyo sa hanay ng mga prutas at mani na may -2.6 porsyentong inflation at isa sa halimbawa nito ay ang saging.

Dahilan din sa pagbaba ng antas ng inflation noong Mayo 2024 kaysa noong Abril 2024 ay ang mabagal na paggalaw ng presyo ng furnishing, household equipment at routine household maintenance. Ito ay nakapagtala ng 1.9 porsyentong inflation at nakapagbahagi ng 9.5 porsyento sa pagbaba ng pangkalahatang inflation. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

In other News
Skip to content