Ang Philippine Information Agency ay nakikiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women mula ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-12 ng Disyembre 2022.
Sinusuportahan ng kampanyang ito ang layunin ng gobyerno ng Pilipinas na protektahan ang mga karapatan ng kababaihan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pangako nitong tugunan ang lahat ng uri ng gender-based violence na nakasaad sa 1987 Constitution.
Katuwang niyo ang Philippine Information Agency sa pagtataguyod nito. Sama-sama tayo sa pagsugpo ng karahasan laban sa mga kababaihan!