QUEZON CITY, (PIA) — Paalala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga nagpapa-renta ng sasakyan na protektahan ang kanilang negosyo.
Upang masiguro at kaligtasan at maiwasan ang panloloko, narito ang ilang tips para sa iwas rent tangay.

Payo ng NCRPO, tiyakin ang identification ng ka transaksyon at kumpirmahan ang mga contact information. Siguraduhin ding matibay ang kasunduan sa pagparenta at kumuha ng security deposit.
Kung maaari, maglagay ng GPS tracking devices sa sasakyan at regular na i-check ang lokasyon nito.
Tandaan, maging mapanuri upang maiwasan ang panloloko. (JEG/PIA-NCR)