Job Fair sa Pasig gaganapin sa Robinsons Metro East, Aug. 11

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng Job Fair na gaganapin sa Robinsons Metro East sa darating na Biyernes, August 11, 2023, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.

Mahigit 25 na mga kumpanya ang nagpahayag ng paglahok sa nasabing job fair kabilang ang isang overseas employment agency.

Bukas ang job fair kahit para sa mga nakatungtong ng high school o senior high, skilled workers, bagong graduate na wala pang experience, o mga matagal nang naka-graduate at marami ng work experience

Para sa mga interesadong lumahok dito, magdala lamang ng maraming kopya ng inyong resume at sariling ballpen sa araw ng Job Fair.

Tampok din sa Job Fair ang ang One Stop Shop para sa First Time Jobseekers. Para maka-avail ng libreng serbisyo na ito, (hal: police clearance) o makapagparehistro sa BIR, PAGIBIG, PhilHEALTH, SSS, magdala ng: Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay); valid ID; at sariling ballpen. (Pasig City/PIA-NCR)

In other News
Skip to content