ODIONGAN, Romblon (PIA) — Nagsimula na ang kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa iwas-sunog sa buong lalawigan ng Romblon kaugnay sa pag-obserba ng bansa sa Fire Prevention Month.
Sa kick-off ceremony na isinagawa ng BFP Office of the Provincial Fire Marshal sa bayan ng San Andres sinabi ni SFO3 Symphony John Sarmiento na ang pag-iwas sa sunog ang unang depensa ng publiko laban sa ‘destructive’ na sunog.
Bilang bahagi ng kick-off ceremony ay nagkaroon ng unity walk at maikling kick-off program sa Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.
Dinaluhan ito ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng San Andres, barangay officials, San Andres Municipal Police Station, mga mula sa academe, at mga volunteers.
Isinasagawa ang taunang Fire Prevention month tuwing buwan ng Marso. (PJF/PIA MIMAROPA)