Kapulisan sa Oriental Mindoro, naghandog ng dugo para sa mga nangangailangan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Isinagawa ng PNP Regional Forensic Unit (RFU) MIMAROPA katuwang ang kanilang Regional Advisory Council at ang Oriental Mindoro Blood Council (OMBC) ang blood-letting activity na may temang ‘Give Blood, Save A Life’ upang makatulong sa mga nangangailangan ng dugo na ginanap sa tanggapan ng RFU sa Camp Efigenio C Navarro, Barangay Suqui sa lungsod na ito kamakailan.

Sinabi ni RFU Assistant Regional Chief PLtCol Edtha B Martinez, nasa 44 ang opisyal na bilang na nagbahagi ng dugo na kinabibilangan ng kapulisan at mga sibilyan na buong puso ang kanilang paghandog dahil ang dugo anya ay mayroon lamang ilang araw, linggo o buwan ang itinatagal kaya kailangan palagi ang sariwang dugo na nakalagak sa blood bank sa loob ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH).

Maliban sa kapulisan ng RFU, kasama din si Dr. Jonathan Q. Leviste, Medical Specialist II at Pathologist ng OMPH na siyang nangasiwa sa nasabing aktibidad kasama ang mga kawani ng OMBC na kumukuha ng dugo sa mga nag aalay. (DN/PIA MIMAROPA)

In other News
Skip to content