Karagdagang Shared Service Facilities, itatatag ng DTI sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) — May dalawang Shared Service Facilities (SSF) ang nakatakdang itatag ng Department of Trade and Industry (DTI)-MIMAROPA sa Palawan ngayong 2025.

Sinabi ni DTI-MIMAROPA Consumer Protection Division chief Versuelo R. Garcia III sa Kapihan sa Bagong Pilipinas nito lamang Marso 11, 2025, na dalawang munisipyo sa Palawan ang kasama sa magiging benepisyaryo ng SSF ng ahensya sa ilalim ng Greening the Shared Service Facilities (SFF) 2025 Innovation Projects.

Ang mga proyektong ito ay bilang tugon sa hangarin ng United Nations na sustainable development goals.

Ang SSF na ito ay ang Fish Processing sa bayan ng Linapacan at ang Rattan Wicker and Furniture Making sa bayan ng San Vicente.

Ang SSF on Fish Processing sa Linapacan ay pinondohan ng DTI MIMAROPA ng P4.8 milyon. Mabebenepisyuhan nito ang walong Linapacan Basnigan Association Barangay Cluster na binubuo ng nasa 281 na mga bangka.

Ayon naman kay DTI-Palawan Provincial Director Hazel DP Salvador, pinondohan din ng DTI MIMAROPA ng halagang P2.5 million worth of equipment ang SSF for Rattan Wicker and Furniture Manufacturing sa Sitio Macatumbaen, Poblacion, San Vicente, Palawan kung saan ang benepisyaryo nito ay ang Macatumbalen Community Based Forest and Coastal Management Association.

Mula 2022 hanggang 2024 ay nakapag-establish na ang DTI MIMAROPA ng 12 na mga SSF projects sa rehiyon, kung saan walo dito ang na-establish sa Palawan.

Ito ay ang Upgrading of Virgin Coconut Oil Processing Center, kung saan ang naging benepisyaryo nito ay ang Brooke’s Point Coco Products Cooperative; Seaweeds Processing na ang benepisyaryo naman nito ay ang Marcilla Seaweed Grower Association; ang Fish Processing at Upgrading of Fish Processing na ang benepisyaryo ay ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Busuanga; gayundin ang Fish Processing sa LGU-Linapacan; ang Upgrading of Handicraft Production sa Cuyo Palawan; ang Abaca Stripping and Twining para sa Maharlika at Little Caramay; at ang Food Processing na ang benepisyaryo ay ang Aloha House, Inc-Palawan. (OCJ/PIA MIMAROPA-Palawan)

In other News
Skip to content