#MagingMapanuri | Kumakalat ngayon sa Social Media ang larawan at video ni Crime Investigation and Detection Group (CIDG) Chief, PBGen. Nicolas Torre III kung saan nakasuot ito ng full battle gear at diumanoy papasukin ang bahay ng pamilyang Duterte dito sa Davao City at isisilbi ang search warrant.
Ang katotohanan sa naturang video ay kuha ito noong Agosto 24, 2024 sa kasagsagan ng pagsisilbi ng arrest warrant kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) televangelist Pastor Apollo C. Quiboloy sa KOJC Compound sa Buhangin, Davao City.
Maging responsable sa pagbabahagi, huwag magpakalat ng peke at ugaliing iberipika ang nababasa online upang hindi maging biktima ng maling impormasyon.