LGUs, pinaalalahanan siguruhing gender-responsive ang kanilang mga proyekto at programa

BAGUIO CITY (PIA) — Pinaalalahanan ng Regional Gender and Development Committee (RGADC) ang mga local government units (LGUs) na isailalim sa Harmonized Gender and Development Guidelines (HGDG) ang kanilang mga proyekto at programa.

Ang HGDG ay isang tool na binuo ng Philippine Commission on Women at ng National Economic and Development Authority. Ginagamit ito upang masiguro na gender-responsive ang lahat ng programa at proyekto ng pamahalaan. 

Ayon kay RGADC co-chairperson Ferdinand Gonzales, bago pa man isumite ng mga LGUs ang kanilang mga project proposals ay  kailangang isinailalim na nila ang mga ito sa HGDG checklist.

“The proposals emanate from local government units so they have the responsibility to subject these programs and projects [to HGDG] to be submitted to the RDC or even NGAs before it will be presented in the RDC level,” si Gonzales.

Aniya, may mga polisiya na rin kung saan nakasaad ang paggamit ng HGDG sa mga programa at proyekto.

“We have the Magna Carta for Women, it is explicitly stated that all programs, project proposals, all government agencies, LGUs, they have to subject their programs and projects to HGDG,” si Gonzales.

 Sa ginanap na RGADC second quarter meeting nitong Martes, Hunyo 25, 2024, napagkasunduan ng komite na magpasa ng resolusyon upang paalalahanan ang mga LGUs kaugnay sa mga resolusyon at polisiya ng HGDG at upang gamitin nila ang HGDG sa lahat ng project proposals ng mga ito. (DEG-PIA CAR)

Tinalakay ng RGADC ang iba't ibang programa upang mapalakas pa ang gender mainstreaming sa Cordillera sa 2nd quarter meeting ng komite nitong Martes, Hunyo 25, 2024. Photos: PIA-CAR
Tinalakay ng RGADC ang iba't ibang programa upang mapalakas pa ang gender mainstreaming sa Cordillera sa 2nd quarter meeting ng komite nitong Martes, Hunyo 25, 2024. Photos: PIA-CAR
IMG20240625085153
20240625_112256
In other News
Skip to content