LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Magandang balita! Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Rabies Day sa September 28, handog ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang libreng anti-rabies vaccination at microchipping drive para sa mga alagang hayop.
Sa pangunguna ng Makati Veterinary Services Department, gaganapin ang libreng anti-rabies vaccination at microchipping drive sa Guadalupe Nevo Mini Park sa darating na Huwebes, September 28, 2023, mula 8:00 a.m. hanggang 12:00 n.n.
Ipinagdiriwang ang World Rabies Day tuwing September 28. Ayon sa Department of Health (DOH), ang rabies ay isang viral infection na maaaring mailipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o kalmot mula sa isang infected animal, kagaya ng aso at pusa.
Kaya mahalagang komunsulta agad sa doktor o animal bite center sakaling nakagat ng aso o pusa. (Makati City/PIA-NCR)