Livelihood programs, pinaiigting ng pamahalaang lungsod ng Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)— Nagsagawa ng pagsasanay sa paggawa ng dishwashing liquid  at paggawa ng tapa at tocino (meat processing) ang mga kawani ng Home Extension Division ng City Agricultures Office sa mga senior citizens ng Brgy. San Jose Sico noong ika-15 ng Pebrero.

Nagkaroon din ng pagsasanay saBrgy. Talahib Pandayan kung saan itinuro ang paggawa ng luncheon meat kasabay ng Rural Improvement Club (RIC) reorganization na dinaluhan ng mga miyembro nito at mga persons with disabilities (PWDs) sa naturang barangay.

Isinagawa din ang parehong seminar sa mga miyembro ng RIC sa Brgy. Pallocan West at tinuruan sila ng product costing upang malaman ang halaga ng ginastos at makapaglagay ng tamang presyo ng produkto.

Iba’t-ibang mga pagsasanay para sa lahat ng sektor ang ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod upang maturuan at mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makahanap at matuto ng posibleng kabuhayan at maliit na negosyong maaaring pagkakitaan. (MDC/PIA- Batangas)

In other News
Skip to content