Livelihood support sa mga mangingisda sa WPS ipinagkaloob ng BFAR

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Malaking hamon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagbibigay ng livelihood support sa mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay Officer-In-Charge ng Planning Unit ng BFAR, Raymond Dela Cruz sa ika-4 na edisyon ng Kapihan sa Bagong Pilipinas noong Hunyo 18 na ginanap dito sa lungsod.

Sinabi pa ni Dela Cruz, na katuwang nila ang Philippine Navy, Philippine Coast Guard at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa pagbibigay seguridad sa mga magingisda upang ipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay at hindi maging banta sa mga Chinese vessels at  sa China Coast Guard.

Hindi lamang sa larangan ng pangingisda tumutulong ang BFAR kundi nagbibigay din sila ng ayuda tulad ng gasolina para sa mga bangkang de motor at para rin sa landbase livelihood support gaya ng post-harvest na maaring pagkunan ng kanilang pinagkakakitaan.

Dagdag pa rito ang tulong sa samahan ng mga small-scale fisherfolks sa pagkakaroon ng 62-footer tuna handliner na kayang sumagupa sa malalaking alon.

“Kung ang lahat ng mga mangingisdang Pilipino ay buong pwersang papalaot, nagpapatunay lamang na ang karagatang ating pinangingisdaan ay atin, atin ang West Philippine Sea,” pagtatapos na mensahe ni Dela Cruz. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

PHOTO ABOVE: BFAR officer Raymond Dela Cruz during the fourth episode of Kapihan sa Bagong Pilipinas held in Calapan City, Oriental Mindoro on June 18, 2024. (Photo by Ace Sapit)

In other News
Skip to content