LRT-2 at MRT-3, may handog na Libreng Sakay para sa mga visually impaired hanggang Aug. 6

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Umabot sa 94 visually impaired persons ang nabigyan ng libreng sakay ng Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 2 nitong Martes, sa pagdiriwang ng White Cane Safety Day.

Ayon sa LRT-2, libre rin ang isa nilang companion o kasamang pasahero ng tren.

Habang naghandog din ang ang MRT-3 ng libreng sakay para sa 216 na mga visually impaired passengers sa parehong araw. 

Nakikiisa po ang MRT-3 sa pagdiriwang ng buong bansa ng World Cane Safety Day. Patuloy nating bibigyang prayoridad ang kapakanan at mga karapatan ng ating visually impaired passengers lalo na sa sapat, mabilis, komportable, at maaasahang transportasyon,” saad ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

Kinakailangan lamang magpakita ng valid PWD identification card sa security personnel sa mga istasyon upang makatanggap ng libreng sakay.

Magpapatuloy hanggang August 6 ang libreng sakay ng MRT-3 at LRT-2, sa buong oras ng operasyon ng linya. (DOTr/PIA-NCR)

In other News
Skip to content