LTFRB DOTr-CAR, nagpaalala ukol sa December 31 consolidation deadline

BAGUIO CITY (PIA) — Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of Transportation-Cordillera (LTFRB DOTr-CAR) ang mga transport operators sa rehiyon na hindi pa nakapag-consolidate na sa December 31, 2023 na ang deadline ng consolidation ng mga ito.

Ayon kay Engr. Lalaine Sobremonte ng LTFRB DOTr-CAR, sa inilabas na polisiya ng DOTr ay sa December 31 na ang deadline ng consolidation na isa sa mga component ng Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP).

Sinabi ni Sobremonte na matapos naman ang konsultasyon sa iba’t ibang sektor, pinag-aaralan na ng DOTr at LTFRB ang mga maaaring pagbabago sa nasabing programa.

“Ur-urayen tayo ti baro nga policy nu kasanun to maibaga nga months or years para iti panagsukat ti modernized units (Hinihintay natin ang bagong policy kung ilang months o years ang pagpapalit ng modernized units),” si Sobremonte.

Sa Cordillera ay nasa 84 na kooperatiba at 24 na korporasyon ang kabuuang bilang ng mga nag-consolidate batay sa listahan ng LTFRB.


Nagbigay ng update sa PUVMP si Engr. Lalaine Sobremonte sa Usapang PIA nitong Huwebes, Nobyembre 16, 2023.

“Actually, ti CAR ti maysa nga rehiyon nga adda ti sangkangatoan na iti consolidation percentage (Actually, ang CAR ang isa sa mga rehiyon na may mataas na consolidation percentage),” ani Sobremonte.

Sa mga PUJs sa rehiyon, mayroon ng 89.29% na consolidated para sa ruta at 92.53% na units. Ibig sabihin, mula sa kasalukuyang bilang ng mga otorisadong bilang ng jeepney units, nakapag-consolidate na ang 92.53%.

Samantala, 96.30% na ang consolidated routes para sa mga UV habang 84.88% sa mga UV units.

As of October 2023 ay nasa 299 na ang modernized units na UV express at PUJ sa Cordillera. (DEG-PIA CAR)

In other News
Skip to content