Mag-aaral sa Romblon hinimok na na pasukin ang karera sa Agham at Teknolohiya

ROMBLON, Romblon (PIA) — Hinimok ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum ang mga mag-aaral na pasukin ang karera sa Agham at Teknolohiya sa kanilang paglaki.

Sa ginanap na inagurasyon ng isang proyekto ng DOST sa Barangay Cobrador, Romblon, Romblon kamakailan, sinabi ni Sec. Solidum na kasalukuyan ay mayroong kakulangan sa mga Siyentipiko at Inhinyero sa bansa para tumulong sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga probinsya lalo na sa mga lugar na nasa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).

“Kapag kayo ay lumaki at nagkaisip na ng mabuti ay maging siyentista kayo. Siguro hindi niyo pa naiisip [sa ngayon] pero dahil dito sa kwento ng proyekto ng [water] desalination, [maisip niyo na] maraming maitutulong kayo sa ating mga kababayan kung kayo ay magiging siyentista o magiging researcher,” pahayag ng DOST Secretary.

Ibinida rin ng kalihim na ang water desalination project ng DOST na magbibigay ng inuming tubig sa mahigit 1,000 residente ng isla ay bunga ng pag-aaral sa agham at teknolohiya. (PJF/PIA Romblon)

In other News
Skip to content