Magalong, nanawagan ng pagkakaisa sa pagresolba sa climate change at sa nagbabadyang ‘urban decay’

BAGUIO CITY (PIA) — “We must work together to make a meaningful progress on this critical issue, if not, then when? Are we going to wait until there’s no green left in the city? Are we going to wait until our water basins runs dry? … If we do not act now, urban decay will be irreversible!”

Ito ang binigyang-diin ni Mayor Benjamin Magalong sa ginanap na 1st Climate Change Summit ng Baguio City nitong Pebrero 9 sa Baguio Convention and Cultural  Center.

Ayon sa alkalde, kailangan ng pagtutulungan upang masolusyonan at mabigyan ng kongkretong aksyon ang climate change. Aniya, bawat isa ay may papel na ginagampanan upang maagapan ang epekto ng nagbabagong klima at panahon.

“We must work together to implement sustainable practices in our daily lives and this includes reducing waste, conserving water, and using environmentally friendly product,” ani Magalong.

Sinabi nito na ang gagawing aksyon ngayon ay para rin sa mga sumusunod na henerasyon.

“The impact of our actions may not be felt in the short term, but then again, it is for the quality of life for the young people, our children, our children’s children. Tama na ‘yung pamumulitika natin. This is not about popularity, it is about doing what is right for the city,” giit ng opisyal.

Aniya, hindi na lamang banta ang climate change dahil nangyayari na ito kung saan, nakikita na rin ang “urban decay” sa malaking bahagi ng lungsod.

“We’re doing everything to improve our air quality kaya lang, hirap na hirap pa rin tayo despite the fact na we have already implemented several strategic measures and projects, kulang pa rin. This is a concerted effort,” si Magalong.

Iniulat ng alkalde na sa pag-aaral ng National Economic and  Development Authority noong 2019, lumabas na lumagpas kapasidad nito ang urban road ng lungsod mula pa noong 1988.

Umaabot na rin aniya sa 95,000 metric tons ang nakokolektang solid waste sa lungsod mula sa kapasidad nito na 52,000 metric tons kung saan  umaabot sa P133 million ang ginagastos ng pamahalaan lokal. Sa katunayan, noong nakaraang taon ay tumaas sa P180 million ang ginastos ng lungsod sa solid waste collection.

Marami pang mga naitala na obserbasyon sa isinagawang pag-aaral kaya naman puspusan ang pagbuo ng lungsod ng mga plano at istratehiya upang maresolba ang mga naturang hamon. Pangunahin na rito ang pagpapatupad sa 7-point agenda ng administrasyon ni Magalong na nagsisilbing blueprint sa pagkamit ng livable at green city. Kabilang dito ang Environment, Land Use and Energy; Climate and Disaster Resilience; Urban Regeneration; Youth Empowerment; Economic Development and Competitiveness; Smart City Management, at Good Governance. (JDP/DEG-PIA CAR)

In other News
Skip to content