Mahigit 14K na mga kawani ng pamahalaan nakatanggap ng libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Magandang balita! Mahigit 14,000 na mga kawani ng pamahalaang nag naserbisyuhan ng libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 kaugnay nang pagdiriwang ng 123rd Philippine Service Anniversary.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, umabot sa 10,007 na mga kawani ng pamahalaan ang naserbisyuhan ng libreng sakay sa MRT-3.

Samantala, umabot naman sa 4,422 na kawani ng pamahalaan ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng Light Rail Transit Authority (LRTA) Line-2.

Nakikiisa po ang Light Rail Transit Authority sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service. Ito pong libreng sakay natin sa LRT-2 para sa mga kawani ng pamahalaan ay taon-taon na isinasagawa bilang pasasalamat at pagkilala ng LRTA sa kanilang dedikasyon, serbisyo at sakripisyo sa bayan,” ayon kay LRTA Administrator Atty Hernando Cabrera.

Ang libreng sakay ay nagsimula noong Setyembre 18 hanggang Setyembre 20, 2023, mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi. (DOTr/LRTA/PIA-NCR)

In other News
Skip to content