Mahigit 2,000 TUPAD workers sa isang bayan sa Albay natanggap na ang sahod

LEGAZPI CITY, Albay (PIA) — Nakatanggap ng sahod ang 2,035 na manggagawang benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE)  sa Polangui, Albay sa huling linggo ng nakaraang Enero.

Ayon sa DOLE-Bicol, pinapabilis ng ahensya ang pagbibigay ng trabahong pang-emergency sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil umiiral pa rin ang suliranin sa usaping paggawa dulot ng krisis sa ekonomiya.

Kabilang sa mga benepisaryo ang mga nasa impormal na sektor na apektado ang kabuhayan.

Samantala, umabot sa P11-milyon ang kabuuang naibigay na sahod ng DOLE-Bicol sa mga manggagawang-benepisyaryo mula sa 44 na barangay ng Polangui.

Ang bawat manggagawang-benepisyaryo ay nakatanggap ng P5,110 bilang sahod sa pagtatrabaho ng 14 na araw. (PIA/Nag-ambag sa ulat na ito si Ralph Angelo Hizon, Bicol University intern.)


Mga benepisyaryo ng programang TUPAD ng DOLE-Bicol sa bayan ng Polangui, Albay. (Courtesy of DOLE-Bicol)

In other News
Skip to content