ODIONGAN, Romblon (PIA) — Aabot sa mahigit P35,000 na Romblomanon ang nairehistro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa ginanap nilang ‘Barangayan’ mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2023.
Inikot ng PhilHealth Romblon ang mga barangay sa buong probinsya para irehistro ang mga Romblomanon upang kanilang ma-avail ang mga programa ng PhilHealth.
Ito ang ibinahagi ni Chief Social Insurance Officer Leandro Flores sa ginanap na UHC and Konsulta Activity sa Wavefront Resort sa Odiongan, Romblon noong Agosto 1, 2023. Dito ay ibinahagi rin ng PhilHealth ang mga programa ng kanilang ahensya lalo na ang paggamit ng PhilHealth Konsulta.
Ayon kay Flores, makikipag ugnayan ang PhilHealth sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para ma-ipromote ang Konsulta program.
11 na hospital at rural health centers ang accredited ng PhilHealth sa lalawigan para sa Konsulta program sa kasalukuyan.
Ang Konsulta ay programa ng PhilHealth kung saan makakapag-avail ang mga miyembro nito ng libreng konsulta sa doctor, lab tests ang mga gamot. (PJF/PIA MIMAROPA – Romblon)
Ipinaliwanag ni Chief Social Insurance Officer Leandro Flores sa mga information officers na dumalo ng UHC and KonSulta Activity sa Odiongan kung ano ang mga benepisyo na makukuha ng publiko sa Konsulta program ng ahensya. (Paul Jaysent Fos)