Mahigit 900 Loose Firearms, nakumpiska ng Batangas Police mula 2019-2022

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Umabot sa 948 ang bilang  ng mga nakumpiskang loose firearms ng Batangas Police Provincial Office sa nakalipas na apat na taon mula 2019-2022.

Ito ang naiulat ni Provincial Director PCol. Pedro Soliba kay Police Regional Office  PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nagkaroon ng 840 police operations sa loob ng huling apat na taon na nagresulta sa pagkaaresto ng 828 na katao.

Samantala sa ilalim ng “Balik Armas Program” ay may 5,722 na mga baril ang inilagak sa Batangas PPO sa parehong panahon. Kabilang dito ang 5,567 na for safekeeping at pangangalaga ng kapulisan habang hindi pa narerenew ang mga kaukulang papeles, 131 naman ang tuluyan ng isinuko sa pangangalaga ng gobyerno at 24 ang isinuko upang ipatanggal sa listahan ng Firearms and Explosive Office ng PNP.

Ang hakbang na ito ay kaugnay sa hangaring maging responsable sa pagmamay-ari ng baril.

Ang mga baril na inilagak sa pangangalaga ng PNP ay iyong mga paso o wala nang bias ang lisensya, hindi nairehistro, pinalitan o burado na ang numero at ang gumaw ang baril, napulot o bigay na mga naril na hindi lisensyado, baril na may lisensya noong binili o binigay ngunit hindi pa napapalipat sa pangalan ng bagong may-ari at mga baril na lisensyado ngunit hindi na interesado ang nagmamay-ari nito.

Ayon kay PCol. Soliba patuloy ang paghikayat ng PNP sa publiko na suportahan ang kanilang kampanya laban sa illegal nab aril para na din sa kaligtasan at kapayapaan ng buong komunidad. (MDC/PIA Batangas may ulat mula sa BPPO)

In other News
Skip to content