
LUNGSOD PASIG, (PIA) — Magandang balita! Naghahanap ka ba ng trabaho?
Sa darating na August 10-11, 2023, magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Makati, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), ng local recruitment activity para sa Makati residents at non-residents.
Pumunta lamang sa Shopwise Makati, Pablo Ocampo Sr. ext. corner Chino Roces Ave., Brgy. Sta. Cruz, Makati City sa mga nabanggit na araw, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM.
Magdala ng mga kopya ng inyong resumé, black ballpen, at magsuot ng casual attire.
Tingnan ang mga available sa trabaho sa link na ito: bit.ly/3OfERAa
Para sa mga katanungan, tumawag lamang sa (02) 8870-1230. (Makati City/PIA-NCR)