LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Ngayong panahon ng Semana Santa, nagbigay paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa mga lalahok sa prusisyon.
Payo ng pamahalaang lungsod, iwasang patuluin ang mga dalang kandila sa kalsada. Ito ay sa kadahilanang nagiging madulas ang kalsada na mayroong natuyong patak ng kandila at nagiging sanhi ng pagdulas ng mga gulong ng sasakyan.

Paalala sa mga lalahok sa prusisyon na lagyan ng pansalo ang kandila at hawakan ito ng diretso.
Para sa mga ruta ng prusisyon ngayong Semana Santa, bisitahin ang Marikina PIO Facebook page. (JEG/PIA-NCR)
(File cover photo courtesy of Marikina PIO)