Marikina Shoe Caravan, Aug. 15 sa Pateros

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Dadalhin ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang kanilang Shoe Caravan sa bayan ng Pateros bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Roque de Pateros.

May 18 participating shoes at bag products ang makikilahok sa gaganaping caravan.

Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Pateros, ang shoe caravan ay gaganapin simula sa Agosto 15 hanggang Agosto 20, 2023, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM sa G. Flores Street, Brgy. Poblacion.

(Pateros/PIA-NCR)

In other News
Skip to content