Mass blood letting drive, isinagawa sa Odiongan kasabay ng World Red Cross Day

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Nagsagawa ang Philippine Red Cross (PRC) Romblon Chapter ng mass blood letting drive sa bayan ng Odiongan, Romblon sa pagdiriwang ng World Red Cross Day kahapon, Mayo 8.

Ayon kay PRC Romblon chapter chairman Jimmy Tan, ang aktibidad ay sabay-sabay na ginagawa sa buong bansa.

Sinabayan ito ng membership fund drive, first aid lecture at demonstration, at volunteer recruitment.

Layunin nito na mas maparami ang mga available na dugo na nasa blood bank ng PRC sa lalawigan para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Sinabi ng Philippine Red Cross Romblon Chapter na ang kanilang opisina sa Romblon Provincial Hospital ay bukas rin para sa mga gustong mag-donate ng dugo. (PJF/PIA Romblon)

In other News
Skip to content