McDonald’s ‘ReClassified’ Project, ipinagkaloob sa Marikina

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Magandang balita! Ipinagkaloob sa Lungsod ng Marikinaang, partikular sa San Roque Elementary School, ang kauna-unahang “ReClassified” project sa bansa ng McDonald’s Philippines.

Personal na tinanggap at nagpaabot ng pasalamat sina Marikina City Mayor Marcy Tedoro at Representative Maan Teodoro ang proyekto na makatutulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng karagdagang matitibay na upuan o classroom chairs.

Pagtulungan natin ang kinabukasan ng ating kabataan. Nasa edukasyon ang pag-asa ng lahat, at ito ay responsibilidad nating lahat. Maraming salamat sa McDonald’s sa strategic partnership na ito sa ating proyekto,” wika ni Mayor Marcy.

Sa ilalim ng proyektong ReClassified (A store Renovated, a Classroom Rejuvenated), ang mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan ay pagkakalooban ng mga upuan o classroom chairs na minsang naging upuan ng mga customer ng mga sangay ng McDonald’s. Ang mga upuang ito ay mas pinatibay at ginawang angkop para sa mga mag-aaral.

Sa kasalukuyan, ang mga ReClassified chairs ay matatagpuan sa isang classroom sa ikatlong palapag ng San Roque Elementary School. (Marikina City/PIA-NCR)

In other News
Skip to content