Mega Job Fair, isinagawa sa pagdiriwang ng Kalap Festival sa Calapan City

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro (PIA) — Nagsagawa ng Mega Job Fair ang Bleu Rose Employment Agency, katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Calapan kasabay ng pagdiriwang ng Kalap Festival 2023 at paagunit sa 25th Cityhood Anniversary ng lungsod sa Nuciti Central Mall noong Marso 20.

Aabot sa 28 iba’t ibang bakanteng posisyon at mahigit sa 900 ang mga nais ma-employ na aplikante ng pribadong ahensya na ito. Umabot naman sa 200 ang mga aplikante na nag-sumite ng kanilang mga requirements at sumailalim sa initial interview.

Ayon sa mensahe ni Mary Jane Peñafiel-Nacuray, General Manager ng Bleu Rose Employment Agency, “the main vision and mission of this agency is to find the right employee for our client and at the same time finding the right work and give the equal opportunity to our applicants especially workers here in the province of Mindoro.”

Ayon kay Nacuray na isang tubong Calapan, nais niyang makatulong sa mga kapwa Calapeño lalo na sa mga nais magkaroon ng trabaho. Nakita aniya nito ang potensyal ng mga manggagagawa sa lungsod at sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ilan lamang sa mga trabahong binuksan sa job fair ay mga posisyon sa manufacturing industry, business process outsourcing, in-house personnel, aircraft personnel, food and beverage industry, medial field, at IT professional. (GATS/DN/PIA MIMAROPA)


Isa sa mga sumalang sa initial interview ng Bleu Rose Employment Agency sa isinagawa nitong Mega Job Fair kasabay ng pagdiriwang ng Kalap Festival 2023.

In other News
Skip to content