Mga ARB sa Dipaculao, Maria Aurora lumahok sa isang Financing Forum

BALER, Aurora (PIA) — Nasa 30 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa mga bayan ng Dipaculao at Maria Aurora sa lalawigan ng Aurora ang dumalo sa Financing Forum ng Department of Trade and Industry (DTI).

Layunin nito na paunlarin ang kamalayan sa financial literacy ng mga komunidad, organisadong grupo o indibidwal na nagnenegosyo.

Ayon kay DTI Provincial Director Aldrin Veneracion, naisakatuparan ang aktibidad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program ng ahensya na nagbibigay sa mga ARBs ng suporta upang maiangat ang kanilang produkto at kapasidad na makipagsabayan sa merkado.

Aniya, hindi man nakakapag abot ng pinansyal na tulong-puhunan ay maraming network ang ahensya na maari ilapit sa ARBs.

Halimbawa na riyan ang Small Business Corporation na nagbibigay ng mga multi-purpose na pautang na may magandang termino at madaling ma-access.

Naging bahagi din ng forum ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa Coconut Farmers and Industry Development Credit Program ng Development Bank of the Philippines. (CLJD/MAT-PIA 3)

Nasa 30 Agrarian Reform Beneficiaries mula sa mga bayan ng Dipaculao at Maria Aurora sa lalawigan ng Aurora ang dumalo sa Financing Forum na inorganisa ng Department of Trade and Industry. (DTI Aurora)

In other News
Skip to content