Mga asosasyon ng mango growers sa Cotabato, tatanggap ng tulong mula sa DA

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) — Tatanggap ng tulong mula sa Department of Agriculture XII ang apat na asosasyon ng mango growers sa lalawigan.

Ito ay matapos ipagkaloob ang certificate of commitment mula sa DA XII na iginawad sa culmination day ng 1st Mango Harvest Festival sa probinsya kamakailan.

Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng Pigcawayan Fresh Fruits Cooperative, M’lang Mango Growers Association, Libungan Mango Growers Association, at Cotabato Province Mango Growers and Stakeholders Association. Sila ay mabibigyan ng mga pataba, plastic crates, power sprayer, pruner, at iba pa.

Samantala, maliban sa ibibigay na tulong mula sa DA XII, umaasa si Remedios Hernandez, acting provincial agriculturist, na lalo pang maisusulong ang mango industry sa lalawigan matapos isagawa ang 1st Mango Harvest Festival. Aniya, layon ng limang araw na aktibidad na lalo pang makilala ang mangga mula sa lalawigan.

Sa naganap na festival, inihayag ni Hernandez na abot sa mahigit 3,000 kilo ng mangga ang naibenta sa mamamayan.

Isa sa mga itinampok sa aktibidad ang mango eat-all-you-can na nilahukan ng higit 800 indibidwal.

Ang 1st Mango Harvest Festival ay nilahukan ng siyam na asosasyon sa una at ikatlong distrito ng lalawigan.

Ito ay ang Pigcawayan Mango Growers Association, Libungan Mango Stakeholders Association, Midsayap Small Farmers Association, Midsayap Mango Producers Cooperative, Pikit Mango Stakeholders Association, Matalam Mango Stakeholders Association, M’lang Mango Stakeholders Association, Tulunan Mango Growers Association, at Gabriel Foods Producers Incorporated. (PIA Cotabato Province)

In other News
Skip to content