Mga atleta ng Cajidiocan bibigyan ng ‘educ. aid’ ng LGU

ODIONGAN, Romblon (PIA) — Bibigyan ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan, Romblon ng cash assistance ang bawat atleta ng bayan.

Ito ay bilang pagkilala sa karangalan na binigay sa bayan ng mga manlalaro na sumabak sa Provincial Athletic Meet,

Ayon kay Cajidiocan Mayor Greggy Ramos, P1,000 cash assistance ang matatanggap ng kanilang mga manlalaro bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo at pagsusumikap na magdala karangalan sa kanilang bayan.

“Ito din po ay para magbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga Kabataan na mag excel hindi lang sa larangan ng academics pati na rin po sa sports,” pahayag ni Ramos nang makausap ng Romblon News Network.

Batay sa datos, mahigit 180 na manlalaro mula Cajidiocan ang tumungo sa bayan ng Romblon, Romblon para sumabak sa kompetisyon. (PJF/PIA MIMAROPA)

In other News
Skip to content