Mga bagong dump truck at backhoe na binili ng pamahalaang panlalawigan, dumating na

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Dumating sa pantalan ng Calapan ang apat na bagong 10-wheeler dump truck, apat na regular backhoe at isang amphibius backhoe na binili ng Pamahalaang Panlalawigan kamakailan.

Ayon kay Gob. Humerlito “Bonz” Dolor, ang mga karagdagang heavy equipment ay binili ng Pamahalaang Panlalawigan upang mapabilis ang pagsasagawa ng mga proyektong pang-imprastruktura, kabilang na rin dito ang mga proyektong may kaugnayan sa dredging at flood mitigation sa buong lalawigan.

Matatandaang noong Enero 31 ay dumating ang karagdagang mini-dump truck na nabili din ng Pamahalaang Panlalawigan kung kaya’t mabilis na natapos ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang bayan. (DN/PIA-OrMin/OrMin-PIO)


Ang backhoe (kaliwa), dump truck at amphibious backhoe, ang tatlong bagong uri ng heavy equipment na binili ng Pamahalaang Panlalawigan na siyang magagamit sa mga proyektong imprastraktura at sa mga dredging at flood mitigation na dumating kamakailan sa Calapan Port. (Larawan kuha ng OrMin-PIO)

In other News
Skip to content